^

Metro

11 barangays sa QC, lubog pa rin sa baha

-
Sa Quezon City, 11 barangay dito ang lubog pa rin sa tubig baha at umaabot naman sa 250 pamilya o 1,500 katao ang patuloy na kinakanlong sa ibat-ibang evacuation center sa lungsod.

Sa panayam kay Rod de Vera ng QC Hall Operations Center, ang mga lugar na patuloy na nakalubog sa tubig baha ay ang Tatalon, Mariblu, Bagong Silangan, Roxas District, San Agustin, Gulod, Damayang Lagi, Capri, Sta. Monica, Doña Imelda at Masambong.

Bukod sa pagkalingang ginagawa ng QC Operations tram sa mga biktima ay patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang tanggapan ng DSWD para sa kaukulang ayuda sa mga naturang pamilyang apektado ng kalamidad.

Kaugnay pa rin nito, nagpalabas kahapon ng halagang P300,000 calamity fund si QC Mayor Feliciano Belmonte Jr. para tustusan ang pangangailangan ng mga taga-lungsod na naapektuhan ng pagbaha.

Pinatitiyak ng alkalde kay QC Treasurer Victor Endriga na siguruhing mapapakinabangan ng mga apektadong lugar ang naturang pondo.

Inatasan din ni Belmonte ang QC Engineering Office na imbestigahan at busisiin ang dahilan kung bakit umaapaw ang tubig sa mga ilog sa lungsod. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BAGONG SILANGAN

DAMAYANG LAGI

ENGINEERING OFFICE

HALL OPERATIONS CENTER

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

ROXAS DISTRICT

SA QUEZON CITY

SAN AGUSTIN

TREASURER VICTOR ENDRIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with