^

Metro

Religious class hindi dapat gawing sapilitan - DepEd

-
Mahaharap sa kaparusahan ang sinumang guro o instructor na pipilit sa kanilang mga estudyante na kumuha ng ‘religion class’ na taliwas sa kanilang relihiyon o pananampalataya.

Ito’y matapos na ipag-utos kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Raul Roco na gawin na lamang boluntaryo ang pagtuturo ng relihiyon sa mga estudyante sa elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sa ipinalabas na kautusan, itinakda ni Roco na huwag gawing sapilitan ang pagtuturo ng religion subject dahilan sa magkakaiba umano ang relihiyon ng mga mag-aaral.

Ayon sa Kalihim, ito’y upang huwag lumikha ng gusot partikular na sa panig ng mga magulang ng mga mag-aaral ang religion class dahilan na rin sa magkakaibang pananampalataya.

Nabatid na karaniwan nang itinuturo ang aral Katoliko sa mga pampublikong paaralan bagay na mariin namang tinuligsa ng mga magulang ng mga estudyante na may ibang relihiyon.

Nakasaad sa kautusan na ang mga estudyante na kukuha ng religion class ay kinakailang magsumite ng written permit mula sa kanilang mga magulang o guardians. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOY CANTOS

KALIHIM

KATOLIKO

MAHAHARAP

NABATID

SECRETARY RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with