^

Metro

Kawani ng city hall naipit ng jeep at water tank

-
Isang babaeng kawani ng Makati City Hall Office ang nasawi matapos itong maipit ng pampasaherong jeep at water tanker habang nagpuputol ng sanga ng puno kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Dead-on-arrival nang isugod sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Arlene Espera, nakatalaga sa Environment and Sanitation (DES), Makati City Hall Office at nakatira sa #1704 San Maximo St., Brgy. Olympia ng nabanggit na lungsod.

Sugatan at ginagamot sa nabanggit na ospital ang isa pang biktima na nakilalang si Mamerto Morata Jr.

Samantala, sumuko sa pulisya ang driver na si Sabri Yusof, ng GHQ Village, Brgy. Signal Village, Taguig.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kahapon ng umaga sa kahabaan ng Kalayaan Avenue ng lungsod na ito.

Nabatid na kasalukuyang nagpuputol ng mga sanga sa puno ang mga biktima at hindi namalayan ng mga ito ang paparating na pampasaherong jeep na minamaneho ni Yusof nang nawalan ng preno at bumangga sa water tank na malapit lamang sa biktima.

Sinamang-palad na maipit si Espera at nadamay naman si Morata. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARLENE ESPERA

BRGY

ENVIRONMENT AND SANITATION

KALAYAAN AVENUE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY HALL OFFICE

MAMERTO MORATA JR.

SABRI YUSOF

SAN MAXIMO ST.

SIGNAL VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with