^

Metro

Biyudo na may sa pusa, natuluyan sa ikatlong pagpapakamatay

-
Natuluyan rin sa wakas ang isang tinaguriang may sa pusang 55-anyos na biyudo na pinahihirapan ng sakit niyang asthma matapos ang ilang beses nang tangka nitong pagpapakamatay sa Marikina City.

Kinilala ang nasawi na si Orlonde Pajares, 55, ng Block 35 Palay St., Tumana, Barangay Concepcion Uno ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ang biktima ng kanyang kapitbahay na si Casimiro Migello, 50, na nakabitin at wala nang buhay.

Napag-alaman na matagal na umanong pinahihirapan si Pajares ng kanyang hika dahilan naman upang dalawang beses na itong magtangkang magpakamatay subalit dahil sa tinaguriang may sa pusang buhay ay hindi ito nagtatagumpay.

Subalit sa ikatlo nitong pagtatangka ay natuluyan na ito.

Base sa ulat, unang nagtangka si Pajares na kitlin ang buhay sa pamamagitan nang paghiwa sa pulso, gayunman agad siyang nakita ng kanyang mga kapitbahay at naisugod sa pagamutan.

Ikalawa naman ay nang magtali ito ng electric wire sa katawan at saka isinaksak sa kuryente, gayunman dahil sa lakas ng boltahe ay napalakas din ang nginig nito dahilan upang mabunot sa saksakan ang kurdon at hindi ito namatay.

Sa huli, ang pagbibigti ang siyang tumapos sa buhay nito. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BARANGAY CONCEPCION UNO

CASIMIRO MIGELLO

IKALAWA

JOY CANTOS

KINILALA

MARIKINA CITY

ORLONDE PAJARES

PAJARES

PALAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with