^

Metro

3-anyos napisak ng videoke machine

-
Napisak hanggang sa mamatay ang isang 3-anyos na batang lalaki makaraang mabagsakan ng videoke machine kahapon ng umaga sa Balut Tondo, Manila.

Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Tondo General Hospital sanhi nang pagkabasag ng bungo at pagkaipit sa dibdib ang biktimang nakilalang si Rheynel Anden ng 2420 Malaya St., ng nasabing lugar.

Nabatid mula sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:40 ng umaga sa tapat ng Anne videoke shop na pagdadalhan sana ng naturang videoke machine sa nabanggit na lugar.

Bago naganap ang insidente, nabatid na iniutos ni Barangay Chairman Boy Silvestre na ibalik na sa naturang karaoke shop ang naturang videoke dahil sa ito ay may diperensiya.

Sakay ng kariton at tulak-tulak ng may apat na kalalakihan at tinatahak ang naturang kalye na lingid sa mga ito ay sinampahan ng biktima.

Bunga nang pagkawala ng balanse ay bumaligtad ang videoke machine at humampas sa kalye kung kaya’t nadaganan at napisak ang biktima na nagresulta sa dagliang pagkamatay nito. (Ulat ni Grace Amargo)

BALUT TONDO

BARANGAY CHAIRMAN BOY SILVESTRE

BUNGA

GRACE AMARGO

MALAYA ST.

NABATID

NAPISAK

RHEYNEL ANDEN

TONDO GENERAL HOSPITAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with