^

Metro

3 miyembro ng carnapping syndicate, nalambat

-
Tatlong miyembro ng bigtime carnapping syndicate ang nadakip kahapon ng mga tauhan ng pulisya.

Gayunman, nakatakas naman sa isinagawang follow-up operation ang lider ng grupo na umano’y anak ng isang prominenteng politiko sa Caloocan City at isang mataas na opisyal ng pulisya sa CAMANAVA area na siyang nagbibigay proteksyon sa sindikato.

Kinilala ni Valenzuela Police chief Senior Supt. Leopoldo Urena ang mga nadakip na sina Jerome Matias, 27; Ronald Cleopas, 17 at Frederick Cleopas, 16, pawang naninirahan sa Rubyville Subd., Baesa , Caloocan City.

Nakatakas ang kanilang lider na pansamantalang hindi binanggit ang pangalan, gayundin ang protektor na opisyal ng pulisya.

Narekober sa mga nadakip ang limang chop-chop na owner type jeep at isang Nissan Sentra sa loob ng kanilang warehouse sa isang abandonadong gusali sa Barrio Ligas, Malolos, Bulacan.

Ibinulgar ng suspect na si Matias na bilang miyembro ng sindikato tumatanggap siya ng P15,000 kada buwan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BARRIO LIGAS

CALOOCAN CITY

FREDERICK CLEOPAS

JEROME MATIAS

LEOPOLDO URENA

NISSAN SENTRA

RONALD CLEOPAS

ROSE TAMAYO

RUBYVILLE SUBD

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with