Ginang lumaban sa kumpareng rapist, kritikal
July 2, 2002 | 12:00am
Agaw-buhay sa pagamutan ang isang ginang matapos na ito ay tusukin ng ice pick nang lumaban ito sa panggagahasa ng kanyang kumpare kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Gilbert Layson, basurero ng Munting Bahayan ng nasabing lungsod.
Ang biktima na itinago sa pangalang Gloria ay nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital dahil sa mga tinamo nitong mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima.
Mahimbing na natutulog ang biktima matapos na iwan ng kanyang asawa na pumasok sa trabaho.
Naalimpungatan ang biktima sa ginagawang panghihimas ng suspek sa maseselang parte ng kanyang katawan.
Tinangka ng biktima na sumigaw subalit tinakpan ang kanyang bibig at pagkatapos ay inumpisahan na siyang paghahalikan nito.
Nanlaban ang biktima na naging dahilan para magalit ang suspek matapos mabitin kayat kinuha nito ang dalang ice pick at pinagsasaksak ang ginang.
Sa halip na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak ay itinuloy pa rin nito ang panggagahasa sa biktima.
Matapos na makaraos sa makamundong pagnanasa ay dito lang ito tuluyang tumakas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended