^

Metro

Suspek sa Quintos twin-slay timbog ng NBI

-
Bumagsak sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang security guard na isa sa responsable sa 1997 Quintos twin-slay matapos na ito ay maaresto sa Las Piñas City.

Kinilala ni NBI Acting Director Fermin N. Nasol ang suspek na si Orlando Pascua Estanes Sr., alyas Edong, 41, may-asawa ng Metrocor South Gate, Almanza ng nasabing lungsod.

Nabatid sa ulat ng NBI na nakatanggap ng impormasyon ang Cavite District Office sa pamumuno ni Agent Danielito Lalusis na nagyayabang umano ang suspek sa naging partisipasyon nito sa pagpatay sa magkapatid na Michael at Paul Quintos sa Mamburao, Occidental Mindoro noong Disyembre 13,1997.

Kaya naman agad na sinubaybayan ng NBI ang suspek at napatunayan na si Estanes ay kabilang sa 14 na suspek sa krimen at mayroon itong warrant of arrest na inisyu ni Judge Teresa Yadao ng Quezon City Regional Trial Court-Branch 81.

Dala ang warrant of arrest ay tinungo ng NBI ang tirahan ng suspek at dito ay hindi na ito nakapalag nang damputin.

Sa pahayag ng suspek, ay inamin nito na siya ay nagsilbing look-out habang isinasagawa ang pagpatay sa magkapatid.

Pagkatapos ng krimen ay agad na lumipat ito ng Maynila para pagtaguan ang batas.

Gayunman nangatwiran ang suspek na siya ay hinikayat lamang ng mga tunay na utak nang pagpatay na nakilala sa pangalang Jose Tapales Villarosa na kilalang karibal ni Roberto Ding Quintos na ama ng magkapatid na pinatay. (Ulat ni Andi Garcia)

ACTING DIRECTOR FERMIN N

AGENT DANIELITO LALUSIS

ANDI GARCIA

CAVITE DISTRICT OFFICE

JOSE TAPALES VILLAROSA

JUDGE TERESA YADAO

LAS PI

METROCOR SOUTH GATE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OCCIDENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with