Misis nagdamot ng baraha, binoga
July 1, 2002 | 12:00am
Dahil sa hindi pagpapahiram ng baraha, napatay ang isang ginang makaraang mapikon ang kapitbahay at barilin ito at mapatay sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Jacklyn ng Kilyawan Ext., Brgy. San Roque Quezon City.
Habang ang tumakas na suspek ay nakilala lamang sa pangalang Julius ng nasabing ring lugar.
Sa paunang imbestigasyon ng Homicide division ng Quezon City Police, dakong alas-10 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Joels Kambingan sa EDSA kanto ng Kilyawan St. Lumabas sa pagsisiyasat, narinig ng mga nakasaksi na nagtatalo ang biktima at ang suspek dahil umano sa ayaw magpahiram ng baraha ang una nang manghiram dito ang suspek upang maglaro sana ng tong-its.
Sinasabing nasigawan ni Jacklyn si Julius dahil sa kinukulit ng huli ang una. Dahil sa sobrang pagka-asar ng suspek bunga na rin ng paninigaw sa kanya ay binunutan nito ng baril ang babae at pinaputukan ng malapitan na kung saan isang tama ng bala sa leeg ang naglagos dito.
Mabilis na tumakas ang salarin dala ang baril na ginamit sa pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended