Trader kinatay ng 3 sinisanteng trabahador
July 1, 2002 | 12:00am
Isang negosyante ang kinatay at pinagnakawan ng mga sinisanteng trabahador sa mismong tanggapan ng biktima kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Chinese General Hospital ang biktimang si Alberto Gumatay, 53 anyos ng #74 DPHP Compound, 11th Avenue, Caloocan City at may-ari ng AM General Product sa #39 Sabalo St., Dagat-Dagatan, Caloocan City sanhi ng maraming beses na palo ng martilyo sa ulo at di mabilang na tama ng saksak sa katawan.
Agad din namang naaresto ang mga suspek sa pagpaslang at pagnanakaw na pawang magkakamag-anak na sina Melchor Bacsal Cabigayan, 23, tubong Samar ng Basamo St., Rodriguez Rizal; Noel Balondo Y Basada, 19, ng #33 Blk. 34, Lot-22, Phase-2, Tumana, Dagat-Dagatan, Navotas at Jerry Basada Y Abigay, 23 anyos ng #39 Sabalo St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Ayon kay Insp. Romeo Onte, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa loob mismo ng opisina ng biktima.
Nabatid na kasalukuyang may bisita ang biktima na sina Gloria Tupaz at Ruth Tabang at ang maybahay nito na si Angeline nang bigla na lamang pumasok ang mga suspek na armado ng martilyo at patalim.
Agad na sinugod ng isa sa suspek na may hawak ng martilyo ang biktima at walang habas na pinagpapalo, habang nakaumang naman ang mga patalim sa mga lalamunan ng ginang at bisita ng biktima.
Hindi pa nakuntento ang dalawang kasamahan nito kayat sinundan pa ng mga ito ng unday ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima habang hilakbot na nakamasid ang ginang at ang mga bisita nito na mabilis ding sinamantala ang pagkakalingat ng mga suspek at tumakbo papalabas ng opisina.
Bago tumakas ay tinangay pa ng mga suspek ang tinatayang P14,500 na pangsuweldo ng biktima sa kaniyang mga trabahador.
Nabatid na naaresto si Bacsal matapos na masakote ng ilang tricycle driver na nagmalasakit sa pamilya ng biktima sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue.
Nabatid na aksidenteng sumakay ang isa sa suspek na tumakas sa isang tricycle kungsaan nakasagutan nito ang driver at sinaksak pero namataan ng ilang kasamahan ng tricycle driver ang pangyayari na agad na tumulong upang madakip si Bacsal habang nakatakas naman si Balondo. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am