Kaso ng pagpatay kay Lenny Villa, inapela
June 29, 2002 | 12:00am
Posibleng muling buksan ang kaso ng mga akusado sa karumal-dumal na pagpaslang sa Aquila Legis fraternity victim na si Leonardo "Lenny" Villa matapos na umapela kahapon ang mga abogado ng gobyerno sa Court of Appeals (CA).
Batay sa 123-pahinang paliwanag ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Appellate Court, umapela ito na ikonsidera ang kanilang naunang desisyon matapos na ipawalang-sala ang mayorya sa mga akusado sa naturang krimen.
Binigyang-diin ng OSG na nagkamali ang CA 5th Division sa ipinataw nitong desisyon noong Enero 10, 2002 kayat nararapat lamang umano itong pag-aralan ng Court of Appeals.
Sa naturang desisyon ng CA sa panulat ni Associate Justice Eubulo Verzola, lumabas na pinapawalang-sala nito ang 19 na akusado sa krimen.
Matatandaang apat na akusado lamang ang hinatulan ng pagkabilanggo ng 20-araw dulot ng kasong physical injuries na sina Vincent Tecson, Junel Anthony Ama, Antonio Mariano Almeda at Renato Bantug Jr.
Tanging sina Fidelito Dizon at Artemio Villaroel lamang ang pinarusahan ng 12-taong pagkabilanggo dahil sa pagpatay kay Villa.
Ayon sa OSG, dapat patawan ang lahat ng akusado ng pagkabilanggo dulot ng kasong pagpatay sa Ateneo law student na si Villa, iginiit ng OSG na umabuso sa tungkulin ang CA ng iabsuwelto nito ang karamihan sa mga akusado dahil mabigat naman ang ebidensyang inihain ng prosekusyon.
Sang-ayon din ang mga abogado ng pamahalaan na hindi maaaring gamiting depensa ng mga akusado ang isyu ng double jeopardy dahil napagkaitan naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.
Matatandaang napatay si Villa noong Pebrero 1991 matapos na isailalim sa hazing ng mga opisyal ng Aquila Legis fraternity sa isang bakanteng lote sa Almeda compound sa Caloocan City. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am