Doktora inireklamo sa maling diagnosis sa buntis
June 28, 2002 | 12:00am
Isang doktora ang inireklamo kahapon sa himpilan ng pulisya matapos pumalpak ang kanyang diagnosis sa isang buntis na ikinasawi ng sanggol sa sinapupunan ng huli sa Makati City, kamakailan.
Ang ipinagharap ng reklamo sa Makati City Police Complaint Desk ay si Dra. Marlene Mendoza-Contado, OB-Gyne/pedia sa Diagnostic Clinic na nasa Pasong Tirad.
Ang nagreklamo naman ay si Marivic de Guzman, 23, ng Pasong Tamo St. na nasa mabuti nang kalagayan bagamat nasawi ang sanggol na lalaki sa kanyang sinapupunan.
Nasawi ang sanggol dahil sa suffocation matapos na ma-overdue sa loob ng tiyan ng kanyang ina.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Juvenal Barbosa, ng homicide section ng Makati City Police, sinabi ni de Guzman na noon umanong Hunyo 4, dakong alas-2 ng hapon nang lumabas ang bata na patay sa Fabella hospital, ang ospital na inirekomenda ng doktora.
Dapat sana ay nanganak si de Guzman noong Mayo 20 ng taong kasalukuyan subalit lumagpas ito sa takdang petsa at dinugo siya noong Hunyo 3.
Nang bumalik ito sa kanyang doktora na si Contado, tiningnan ang kanyang kalagayan at pinauwi uli siya sa bahay dahil hindi pa raw ito manganganak.
Kinabukasan ay isinugod na sa pagamutan si de Guzman hanggang sa lumabas sa kanyang sinapupunan ang patay na sanggol.
Sinisi ni de Guzman ang doktora sa maling diagnosis nito, kung hindi sana ay naisalba ang buhay ng kanyang anak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended