^

Metro

Vanessa nilamutak, sinibasib nang halik ng fan

-
"Hindi baleng makulong ako, basta makahalik at makayakap lang ako sa minamahal kong si Vanessa".

Ito ang binitiwang salita ng isang obsessed fan ng TV host/actress Vanessa del Bianco na inireklamo ng huli ng sexual harrasment kahapon ng hapon.

Kasama ni del Bianco nang magtungo sa himpilan ng pulisya sa Quezon City ang kasamahan niyang host sa Magandang Tanghali Bayan (MTB) na si John Estrada at doon inireklamo si Woody Bisagas, 26, ng Don Antonio Heights, Quezon City.

Batay sa pahayag ni del Bianco, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa loob mismo ng ABS-CBN studio sa mismong programa ng MTB.

Nabatid na isa si Bisagas sa contestant sa isang palaro sa programa ngunit isa rin ito sa natalo. Habang nanonood na lamang ang suspect ay bigla itong tumayo at lumapit kay del Bianco. Hindi ito nakapagpigil at hinatak ang katawan ng TV host, nilamutak ang dibdib at saka siniil ng halik sa labi.

Sa panayam sa suspect, sinabi nitong matagal na siyang tagahanga ni del Bianco at ang pagsali niya sa palaro sa programa ay isang daan upang mapalapit siya sa aktres.

Sa loob ng kulungan ay nag-iiyak pa ang suspect at iginigiit nito na mahal na mahal niya si del Bianco.

Inaalam pa ng pulisya kung lulong sa droga si Bisagas o kung ito ay obsess fan ng aktres.

Pilit namang kinukuha ang pahayag ni del Bianco at Estrada subalit mabilis itong umalis sa himpilan ng pulisya lulan ng isang Mercedes Benz.(Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

BIANCO

BISAGAS

DEL

DON ANTONIO HEIGHTS

JHAY MEJIAS

JOHN ESTRADA

MAGANDANG TANGHALI BAYAN

MERCEDES BENZ

QUEZON CITY

WOODY BISAGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with