^

Metro

Preliminary investigation inisnab ni Cardeño

-
Hindi sumipot kahapon sa isinagawang preliminary investigation (PI) sa Department of Justice si RAM leader Senior Supt. Rafael Cardeño hinggil sa kasong pagpatay kay Young Officers Union (YOU) spokesman Baron Cervantes.

Samantala, sa isinagawang pagdinig muli namang inamin ng nadakip na si Marine Sgt. Joseph Mostrales na siya ang bumaril at nakapatay kay Cervantes kasabay nang pagsasabing si Cardeño ang siyang utak sa lahat ng ito.

Sa isinagawa pa ring pagdinig, si Atty. Homobono Adaza, abogado ni Cardeño ang dumalo sa naturang hearing, subalit hindi rin nito alam at masabi kung saan nagtatago ngayon ang kanyang kliyente kaya’t hindi nito nagawang magsumite ng kanyang counter affidavit.

Sinabi ni Adaza na abogado lamang siya ni Cardeño sa kaso nitong malversation of public property makaraang hindi umano nito isauli ang isang M-16 rifle na inisyu sa kanya bilang isang PNP official.

Nagbabala naman ang DOJ na dedesisyunan na nila sa lalong madaling panahon ang kaso ni Cardeño kung patuloy ito sa kanyang pagtatago.

Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa Hulyo 8, 2002.

Magugunita na si Cervantes ay pinaslang noong nakalipas na Disyembre 31, 2001 sa Las Piñas, samantalang kinasuhan ng murder ng DOJ sina Mostrales, Jaime Centeno, Erlindo Torres, Sgt. Eugene Radam, Rodolfo Patino at Diosdado Santos. (Ulat ni Gemma Amargo)

BARON CERVANTES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOSDADO SANTOS

ERLINDO TORRES

EUGENE RADAM

GEMMA AMARGO

HOMOBONO ADAZA

JAIME CENTENO

JOSEPH MOSTRALES

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with