^

Metro

Theme song sa mga soap opera ng Channel 2, pinatigil ng korte

-
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ninyo naririnig na ginagamit ngayon ang mga sikat na awiting Pilipino bilang mga theme song sa mga sinusubaybayan ninyong soap opera sa ABS-CBN?

Ito ay dahil sa ipinatigil ng korte sa naturang TV station ang paggamit ng mga awiting ito matapos na magharap ng reklamo ang Filipino Society of Composers, Authors and Publishers Inc. (Filscap).

Nabatid sa 24-pahinang complaint ng Filscap, hindi dapat gamitin ng ABS-CBN ang mga awiting "Pangako sa Iyo", "Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan", "Maalaala Mo Kaya" at "Iingatan Ka" dahil ang mga ito’y pag-aari ng Filscap sa dahilang ang mga kompositor o artists ng mga nasabing awit ay miyembro ng naturang organisasyon.

Sinabi pa ng Filscap na nabigo ang ABS-CBN na magbayad ng royalties para sa ginagawang pag-eere ng naturang mga awitin.

Bunga nito’y kinatigan ng Quezon City Branch 90 Judge Reynaldo Daway ang kahilingan ng Filscap na pahintuin ang paggamit ng naturang mga awitin bilang theme song ng mga soap opera.

Nagpalabas ng 20-araw na temporary restraining order (TRO) si Judge Daway laban sa nasabing kompanya.

Nabatid na nag-alok ng P1.3 M ang Channel 2 sa Filscap, ngunit ito’y hindi tinanggap.

Dedesisyunan sa Hulyo 5 kung patatagalin pang muli ang TRO, kaya malamang na ibang awitin ang inyong marinig pag-pinapanood ninyo ang mga naturang soap opera. (Ulat ni Grace Amargo)

AUTHORS AND PUBLISHERS INC

FILIPINO SOCIETY OF COMPOSERS

FILSCAP

GRACE AMARGO

IINGATAN KA

JUDGE DAWAY

JUDGE REYNALDO DAWAY

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with