Dalagita gustong tumiwalag sa frat, ginahasa ng kasamahan
June 27, 2002 | 12:00am
Dahil sa hindi nagustuhan ng mga kasamahan niya sa frat ang tangka niyang pagtiwalag, isang 16-anyos na dalagita ang iniulat na ipinagahasa ng kanyang mga kasamahan sa fraternity, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Dumulog sa Pasig Police Station 5 ang biktimang itinago sa pangalang Jenny, out-of-school youth upang ireklamo ang mga kasamahan niya sa fraternity na nakilalang sina Michelle, 17 at Genalyn, 14, kapwa naninirahan sa Barangay Maybunga, Pasig City na umanoy nagpagahasa sa kanya. Ang dalawa ay kapwa nakapiit na sa Pasig Police detention cell.
Samantala, pinaghahanap pa ang dalawang suspect na nakilalang sina Joey dela Cruz at isang alyas Ogie na siyang gumahasa sa biktima.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi sa bahay ni dela Cruz nang magtungo doon ang biktima dahil sa hinahanap nito ang isa niyang kaibigan.
Pagdating sa lugar ay bigla siyang hinatak ni dela Cruz sa loob ng kuwarto at doon niya nadatnan si Ogie at ang dalawa niyang ka-frat na sina Michelle at Genalyn na agad na bumugbog sa kanya at saka siya hinubaran.
Una siyang ipinagahasa kay dela Cruz at sumunod naman si Ogie.
Matapos ang panghahalay ay saka lamang siya pinalaya ng mga suspect at tinakot na huwag magsusumbong sa mga awtoridad.
Sinabi ng biktima na posibleng nagalit sa kanya sina Michelle at Genalyn dahil sa nagpaalam siya sa mga ito na titiwalag na sa kanilang fraternity. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am