Sa ulat ni PO1 Allan Budios, dakong ala-1 ng hapon ng matagpuan ng apat na magkakaibigang nakilalang sina Jason Socorro, Arnel Percia, Erwin Garcia at Jimmy Pacing ang katawan at nakahiwalay na ulo ng biktima na nakalagay sa isang asul na drum at itinapon sa may Bankers Village, Barangay 171 sa Camarin.
Tinatayang nasa 45-50 anyos ang biktima na nakitang nakatali ang magkabilang kamay at paa ng alambre.
Ang ulo naman nito ay isinilid sa isang kulay na itim na garbage bag na inilagay din sa loob ng drum.
Malaki ang paniwala ng pulisya na sa ibang lugar kinatay ang biktima at itinapon na lamang sa napagtagpuang lugar para iligaw ang mga awtoridad.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Rose Tamayo)