^

Metro

Pulis, sundalo kasabwat sa EDSA shootout

-
Posibleng may kasaping pulis at militar ang grupong nakasagupa ng mga tauhan ng Traffic Management Group (TMG) kamakalawa sa Mandaluyong City.

Ayon kay TMG director Chief Supt. Renato Paredes na hindi mga ordinaryong mga kriminal ang may kagagawan sa naturang krimen dahil sa pagiging planado ng kanilang operasyon, pagkakaroon ng malalakas na kalibre ng armas at pagiging bihasa sa paggamit nito.

Kasabay nito, inilabas na rin kahapon ng mga tauhan ng pulisya ang cartographic sketch ng isa sa mga suspect na nakatangay ng may P1M cash at P4M checks at nakabarilan din ng mga tauhan ng TMG na dito nasawi ang isang pulis at ikinasugat ng may 13 pa.

Binigyan naman ng isang linggong palugit ni NCRPO director Deputy Director General Edgardo Aglipay ang Mandaluyong Police para resolbahin ang kaso.

Sa paunang imbestigasyon, sinisilip ng mga awtoridad ang anggulo ng inside job kung saan iimbitahan nila ang sekyu ng Sta. Lucia Realty na si Ricky Aperecho at clerk na si Jun Balabad na umano’y palaging kasama ng courier na si Jun Malong sa tuwing magdedeposito ng pera ng kompanya sa banko, para ibigay ang kanilang panig sa naganap na holdap.

Magugunita na bitbit ni Malong ang bag na naglalaman ng may P1M cash at P4M checks nang puwersahang kunin ng mga suspect.

Sa pagtakas ng mga suspect nakasagupa nila ang grupo ng TMG. Nagkaroon nang pagpapalitan ng putok na dito nasawi si PO2 Dexter Sy, habang 3 pang pulis at 10 sibilyan ang nasugatan.(Ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGARDO AGLIPAY

DEXTER SY

JOY CANTOS

JUN BALABAD

JUN MALONG

LUCIA REALTY

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with