P.7-M reward vs Marohombsar, 2 galamay
June 25, 2002 | 12:00am
Nagpalabas na ng tinatayang P.7 milyong pabuya ang Philippine National Police (PNP) para sa sinumang makakapagturo sa lider ng Pentagon kidnap-for-ransom group na si Faisal Marohombsar at dalawa nitong tauhan na pumuga kamakailan sa kanilang piitan sa Camp Crame.
Inihayag ni PNP chief Director General Leandro Mendoza na P500,000 dito ay nakalaan sa ulo ni Marohombsar, habang tig-P100,000 naman para sa ikadarakip nina Abdul Macaumbang at Rolando Patino.
Kasabay nito, naniniwala naman si NCRPO chief Deputy Director General Edgar Aglipay na nasa Metro Manila pa si Marohombsar taliwas sa pahayag nitong nakauwi na siya sa Davao matapos ang isinagawang pagtakas.
Maaari umanong nais lang lituhin ng Pentagon leader ang mga awtoridad sa pahayag nitong nakabalik na siya sa Mindanao makaraang makatakas siya sa detention cell ng NAKTAF.
Samantala, inatasan ni DILG Secretary Joey Lina ang PNP ng mas malawak na operasyon upang muling madakip ang mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am