3 aircon bus, sinilaban
June 24, 2002 | 12:00am
Tatlong airconditioned passenger bus na nagkakahalaga ng P3M ang tinupok ng apoy sa loob mismo ng isang bus company na hinihinalang kagagawan ng mga sinibak na empleyado kahapon ng madaling araw sa Camarin, Caloocan City.
Ang insidente ay nagsimula dakong alas-3:45 nang matupok ng apoy ang tatlong air-conditioned passenger bus na may pangalang Joyselle Express Transport Company na matatagpuan sa kahabaan ng Area D., Zapore Road, Camarin, Caloocan City.
Ganap na alas-5:30 ng umaga kahapon ng maapula ang apoy ng mga pamatay sunog ng Camarin Fire Station.
Ang tatlong nasabing bus ay may mga plakang PYE-454, PYH 788, PYH 708 at may mga body number na 9179, 9169, 708.
Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Insp. Edmund Manalang, ng investigation unit ng Camarin Police Station, lumalabas na dalawang di nakikilalang suspek ang nakitang tumalon sa konkretong bakod ng terminal at nakita ng security guard ng bus company na si Noli Matias Juatin ilang minuto bago masunog ang tatlong bus na pawang nakaparada sa loob ng bus terminal.
Binuhusan ng mga suspek ng gasolina ang mga gulong ng bus at saka sinindihan at nang magliyab ay lumaganap ang apoy patungong tangke ng gasolina hanggang sa sumabog ang tatlong aircon bus.
Hinihinala ng police at arson investigation na da-ting mga empleyado ng bus company na pawang sinibak noong nakalipas na buwan dahil sa masasamang record ang pinapalagay na may kagagawan sa nasabing insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended