Mag-inang Intsik nailigtas sa kidnaper
June 24, 2002 | 12:00am
Isang mag-inang Chinese national ang nailigtas noong Biyernes sa Maynila matapos na mabawi ang mga ito mula sa isang Chinese national quack doctor na kumidnap sa kanila, na ngayon ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig.
Kinilala ang mag-inang biktima na sina Li Jia Yan, may sapat na gulang at Bryan Angelo Ze, 4-anyos, taga Binondo, Maynila.
Samantala, kinilala naman ang suspek na si Xu Shao Fung, 46, nakakulong sa Bureau of Immigration and Deportation (BID), sa Camp Bagong Diwa, dahil sa kasong kidnapping at illegal alien.
Nabatid na ang pagsalakay ay isinagawa noong Biyernes, Hunyo 21 sa 10th Floor ng isang condominium na matatagpuan sa T. Mapua St., Sta. Cruz, Maynila ng grupo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipagtulungan ni dating Southern Police District Director, Chief Supt. Romeo Maganto.
Matatandaan na noong Hulyo 20, 2001, kinidnap ng nasabing suspek ang mag-inang biktima, at may isang taong itinago ang mga ito.
Dahil napag-alaman na ang suspek ay may gusto sa ina ng bata, kayat pati ang walang malay na paslit ay idinamay nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended