^

Metro

P40-M cash at alahas ibinalik ng honest airport cop

-
Hindi nasilaw sa kinang ng salapi at alahas ang isang miyembro ng Airport Police Department nang isauli nito ang isang bag na naglalaman ng mahigit sa P40 milyong halaga ng cash at iba’t ibang alahas na naiwan ng isang pasahero sa Centennial Terminal 2, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Ret. Gen. Mike Hinlo, assistant general manager for security and emergency services ang honest cop na si Cpl. Jerry Soriano, nakatalaga sa Southwing Arrival Area ng naturang airport.

Tuwang-tuwa naman si dating senador Victor Ziga nang maibalik sa kanya ang kanyang bag na walang kulang.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga kasalukuyan umanong nag-iinspeksyon si Cpl. Soriano sa arrival area matapos makalabas ang mga pasahero ng PAL flight PR 278 galing Legazpi, Albay nang mapansin nito ang isang itim na trolley bag malapit sa upuan.

Bilang security procedure, hindi muna ginalaw ni Soriano ang bag at sa halip ay ipinagbigay alam nito sa PNP Special Operations Unit at K-9 Unit na siyasatin ang bag para tiyakin kung may laman itong bomba.

Matapos sumailalim sa explosive search ang bag, nakumpirma na wala itong lamang bomba kaya’t agad itong dinala sa investigation room at doon binuksan.

Tumambad sa mga awtoridad ang pera, alahas at iba’t iba pang gamit, gayundin ang isang phone book na nagtataglay ng pangalan ng dating senador.

Matapos matiyak na ito ay pag-aari ni Ziga, agad itong ibinalik sa kanya.

Nakatakda namang bigyan ng commendation at spot promotion si Soriano dahil sa ipinamalas nitong katapatan. (Ulat ni Butch Quejada)

AIRPORT POLICE DEPARTMENT

BUTCH QUEJADA

CENTENNIAL TERMINAL

JERRY SORIANO

MATAPOS

MIKE HINLO

SORIANO

SOUTHWING ARRIVAL AREA

SPECIAL OPERATIONS UNIT

VICTOR ZIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with