^

Metro

Bitay hatol sa 3 killer ng lady auditor

-
Bitay ang naging hatol kahapon ng hukuman laban sa tatlong construction worker na nagtangkang humalay at pumaslang sa isang dalagang junior auditor noong nakalipas na March 23, 1999.

Sa 21-pahinang desisyon ni Judge Ricardo Rosario ng Branch 66, ng Makati City Regional Trial Court, ang hinatulang mabitay ay sina Celino Nabong, Alvin Laguit at Nolfe Ladiao na napatunayang guilty sa kasong attempted rape with homicide.

Samantala, pinawalang sala naman ng hukuman ang isa pang akusado na nakilalang si Arnel Miraflor, isa ring construction worker dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magdidiin dito.

Base sa rekord ng korte naganap ang krimen noong March 23, 1999 dakong alas-9:15 ng gabi sa stockyard ng RCBC Bank na matatagpuan sa panulukan ng Kamagong at Ayala Avenue malapit sa barracks ng mga akusado.

Nabatid na papauwi na noon ang biktima na nakilalang si Ederlinda Cruz Gabriel nang salakayin ng mga akusado at dalhin sa naturang lugar.

Dito pinagtangkaang gahasain ng mga akusado ang biktima na nanlaban kaya’t inundayan naman ito ng sunud-sunod na saksak sa katawan.

Isang vendor ang nakasaksi sa insidente kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad. Nadakip ang mga akusado sa isinagawang operasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALVIN LAGUIT

ARNEL MIRAFLOR

AYALA AVENUE

BITAY

CELINO NABONG

EDERLINDA CRUZ GABRIEL

JUDGE RICARDO ROSARIO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

NOLFE LADIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with