5-anyos na hinostage ng bangag, nasagip
June 19, 2002 | 12:00am
Siniguro ng mga tauhan ng Pasig Police na hindi mauulit sa kanila ang hostage tragedy na naganap kamakailan sa Pasay City, matapos na mailigtas nila sa kamay ng isang lalaking hinihinalang lango sa droga ang 5-anyos na paslit na hinostage nito kamakalawa ng hapon.
Kasalukuyang nakadetine sa Pasig Police Station at nahaharap sa kasong frustrated homicide ang hostage taker na nakilalang si Balios Manalo, 21, ng Molave St., Barangay Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Insp. Tomasito Clet, chief ng Intelligence and Investigation Branch, naganap ang pangho-hostage dakong alas-4 ng hapon sa may F. Manalo bridge sa may C5 Road, Brgy. Manggahan, Pasig.
Kasalukuyan umanong naglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan ang biktimang si Mean Dizon, nang bigla itong hatakin ng suspect na armado ng patalim at electrical wire.
Agad na pinulupot ng suspect ang dalang electrical wire sa leeg ng biktima sabay tutok dito ng patalim.
Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at nakipagnegosasyon sa suspect. At marahil ay natuto na sa naganap sa Pasay City, habang kinakausap ng negotiator ang hostage taker ay unti-unti nang pinalilibutan ng ilang pulis ang suspect hanggang sa magkaroon sila nang pagkakataon na masunggaban ito at nabitiwan ang bihag na paslit.
Nasagip ang bihag at naiwasan din ang pagdanak ng dugo at nadakip ang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest