Nabatid mula sa isinampang tatlong pahinang opposition ng Office of the Solicitor General (OSG) sa sala ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 88 Judge Abednego Adre. Sinabi nito na hindi dapat pagbigyan ng hukuman ang kahilingan ni Melendez para sa annulment case nito dahil walang basehan ang kanyang mga akusasyon laban kay Yllana.
Ayon kay Assistant Solicitor General Karl Miranda, sinabi nito na wala rin siyang nakitang batayan para maituring na psychologically incapacitated si Jomari.
Ipinaliwanag pa ng OSG na hindi nila maaaring katigan ang anumang akusasyon ni Aiko kay Jomari dulot ng umanoy pambababae, pananakit, bisyo at pagpapabaya sa tungkulin nito. Sinabi ng OSG na dapat ay mayroong mabigat na ebidensiya para patotohanan ang mga akusasyong ito ni Aiko laban sa kanyang mister.
Idinagdag pa ng OSG na hindi napatunayan ni Aiko na hindi na magagamot ang umanoy pagiging psychologically incapacitated ng kanyang mister. Nilinaw din naman ni Sol. Gen. Miranda na ang pangangaliwa ng isang lalaki ay hindi maaaring maging dahilan para sa pagpapawalang-bisa ng isang kasal. Sinabi nito na maaari lamang gamitin ang isyu ng pambabae sa mga kaso ng legal separation.
Iginiit nito sa kanyang oposisyon na mas makabubuting ayusin na lamang nilang mag-asawa ang kanilang mga alitan. Pinayuhan din ni Solgen Miranda ang magkabilang-panig na gumawa pa ng ilang paraan sa posibleng pagbabalikan ng mga ito. (Ulat ni Grace Amargo)