Grade 3 teacher na hit and run
June 17, 2002 | 12:00am
Hindi na makakapagturo ngayong unang araw nang pagbubukas ng klase ang isang public school teacher matapos itong masagasaan ng isang cargo train na kaagad nitong ikinasawi habang papatawid kahapon ng umaga sa Makati City.
Sa report na natanggap ng Makati City Police Complaint Desk, dead on the spot ang biktima na nakilalang si Antonio Ostan, 38-anyos, nagtuturo sa Don Carlos Elementary School, na matatagpuan sa Pasay City, nakatira sa #9-C, Interior 3, West Crame, San Juan, Metro Manila.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Southern Police Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-11:30 kahapon ng umaga sa PNP Site, Edsa-Magallanes, Makati City.
Galing si Ostan sa Mantrade at tatawid itong papuntang EDSA Avenue, hindi nito namalayan ang paparating na isang cargo train na nanggaling ng Bicutan, Taguig papuntang Maynila.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya kung sino ang operator ng cargo train na nakasagasa kay Ostan. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest