^

Metro

19-M estudyante dadagsa ngayon

-
Tinatayang 19.2 na milyong mag-aaral sa pampubliko at pribadong elementarya at high school ang inaasahang dadagsa ngayon sa pagsisimula ng klase para sa taong 2002-2003 kung saan unang sisimulan din ang kontrobersiyal na ‘‘millennium curriculum.’’

Sinabi ni Ramon Bacani, undersecretary for regional operations Department of Education (DepEd), na umakyat ang bilang ng mga estudyante ngayon ng may 800,000 buhat sa dating bilang ng mag-aaral sa 18.4 milyon noong nakaraang school year 2001-02.

Umaabot sa 17 milyon ang magtutungo sa mga pampublikong paaralan kung saan 12.1 milyon ay mga elementaryang mag-aaral at 4.7 milyon naman sa high school.

Sa kabila ng patuloy na kakulangan sa guro na may backlog pa ng 22,000, sinabi ni Bacani na mapupunan naman ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng load sa mga guro.

Inaasahan namang mapupunan ang mga kakulangan sa libro at mga silid-aralan hanggang sa kalagitnaan ng taon handa na rin umano ang mga teaching materials at mga manuals.

Nanawagan rin si Bacani sa mga guro at mga magulang sa patuloy na implementasyon ng ‘‘no collection policy’’ ng ahensiya sa puwersahang pagsingil sa mga school fees na bukod sa regular na tuition fee. Paparusahan rin umano ang mga prinsipal at guro na tatanggi sa isang estudyante upang makapasok sa kahit na anong dahilan.

Kasabay nito, nanakot naman ang ilang militanteng grupo tulad ng National Union Students of the Philippine (NUSP) at (Bayan) na magsasagawa ng boycott at kilos protesta sa mga kalsada upang tuligsain ang sapilitang pag-iimplementa ng Restructured Basic Education Curriculum (RBEC) kung saan sa ilalim nito ibinaba sa limang subject na lamang ang ituturo.(Ulat ni Danilo Garcia)

BACANI

BAYAN

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

INAASAHAN

KASABAY

NATIONAL UNION STUDENTS OF THE PHILIPPINE

RAMON BACANI

RESTRUCTURED BASIC EDUCATION CURRICULUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with