Dayuhang Tsino arestado sa panghihipo
June 16, 2002 | 12:00am
Isang Chinese national ang inaresto ng mga operatiba ng Western Police District General Assignment Section (WPD-GAS) matapos na ireklamo ito ng 19-anyos na dalaga na umanoy nanghipo sa kanya kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.
Ang suspek na kasalukuyang nakakulong at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ay nakilalang si Shaunan Yang, 47, beterinaryo, tubong Shanghai, China at pansamantalang nanunuluyan sa 2nd Flr. Chia Sia Lou Bldg., Adriatico St., Malate.
Sa imbestigasyon, naganap ang panghihipo ng suspek sa biktimang itinago sa pangalang "Amor", dakong alas-4:30 ng madaling-araw habang nagtitinda ito ng sigarilyo sa may Remedios Circle.
Bigla umanong dumating ang suspek na si Yang na lasing na lasing at biglang itinaas ang palda ni Amor at saka pinaghihipo ang maselang bahagi ng katawan nito.
Dahil sa lasing ang suspek ay nakakuha ng pagkakataon ang biktima na humingi ng saklolo sa mga barangay tanod na kasalukuyang naroroon na siyang naging dahilan ng pagkakaaresto sa suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended