^

Metro

Ginang hinoldap na, minolestiya pa

-
Isang ginang ang luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya sa Makati makaraang holdapin at molestiyahin ng nasakyan niyang taxi driver, kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang biktima na si Lerilyn Macahilig dela Cruz, 27, ng Zone 2, Brgy. Signal Village, Taguig Metro Manila.

Samantala, pinaghahanap naman ang suspect na driver ng isang taxi na Toyota Corolla na may plakang PYV-706 na mabilis na tumakas matapos ang ginawang panghoholdap sa ginang.

Ayon sa salaysay ng biktima, naganap ang insidente dakong alas-3:45 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Kalayaan Avenue ng nabanggit na lungsod.

Sakay ang biktima sa taxi ng suspect at habang binabagtas nila ang nabanggit na lugar ay bigla itong nagdeklara ng holdap at tinutukan ng patalim ang ginang.

Matapos limasin ang mga alahas at cash ay pinaghihipuan pa sa maseselang bahagi ng katawan ang ginang at saka tuluyang tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

CRUZ

ISANG

KALAYAAN AVENUE

LERILYN MACAHILIG

LORDETH BONILLA

SIGNAL VILLAGE

TAGUIG METRO MANILA

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with