^

Metro

4 na 'butas-gulong gang' arestado

-
Apat na vulcanizer ang ipinadakip ng isang news producer ng isang television network na kanilang biniktima sa modus-operandi na ‘butas-gulong’ upang lumaki ang babayaran ng kanilang binibiktima, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspect na sina Marlon Papros, 24, ng Sta. Ana, Manila; Francisco Bucano, 43, ng Tramo, Barangay Rosario, Pasig; Gerry Martires, 29, at Henry Martirez, 43, ng Binangonan, Rizal.

Ang apat ay iniulat na inireklamo ni Eric Go, segment producer ng programa sa ABS-CBN News and Current Affairs at naninirahan sa Esguerra St., Diliman, Quezon City.

Binanggit ni Go na nagpasya siya na pahanginan ang gulong ng kanyang sasakyan nang mapansin niyang malambot ito habang binabagtas ang kahabaan ng Meralco Avenue sa Ortigas, Pasig.

Dinala niya ang kotse sa isang vulcanizing shop malapit sa Renaissance building kung saan ay hinarap siya ng isa sa mga suspect. Sa halip na hanginan lamang, tinanggal ng suspect ang gulong at interior nito at inilubog sa tubig kung saan nadiskubre umano na may siyam na butas na labis niyang ipinagtaka.

Matapos ang isinagawang pagbu-vulcanize siningil siya ng mga suspect ng P360. Dito na umano siya nagduda kaya pinababa rin niya ang kanyang spare tire upang patingnan at sinabing aayusin din ito bago siya nagtungo sa pulisya.

Nang muli nilang balikan ang vulcanizing shop ay naabutan pa nila ang apat na suspect na abala sa kanilang ginagawa. Dito nabulgar sa mga pulis ang isang matulis na bagay na kanilang ginagamit upang butasin ang interior ng gulong. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY ROSARIO

DANILO GARCIA

DITO

ERIC GO

ESGUERRA ST.

FRANCISCO BUCANO

GERRY MARTIRES

HENRY MARTIREZ

MARLON PAPROS

MERALCO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with