^

Metro

2 lolo inaresto sa pagkidnap at pagmaltrato ng paslit

-
Nagtungo sa himpilan ng Western Police District (WPD) ang isang mag-asawa upang pormal na ipagharap ng kasong kidnapping ang kapitbahay nilang 64-anyos na lolo na dumukot sa kanilang 3-anyos na anak na hinihinalang ipinasa sa sindikato na nagbebenta ng mga bata sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

Patuloy na hinahanap ng kanyang mga pamilya at maging ng mga awtoridad ang biktima na si Arcel Castillo, anak nina Arnel at Celia Castillo, matapos tangayin ng suspect na nakilalang si Rustom Nebras, ng 733 Porbenir St., ng nasabing lugar.

Ang suspect na bagamat agad na naaresto at inamin na tinangay niya ang bata ay tumanggi namang amining ipinagbili niya o ipinasa sa mga sindikato ang biktima.

Sinabi ng suspect na ibinigay niya ang bata sa isang grupo ng kalalakihan na pawang naka-uniporme, subalit hindi matukoy kung ang mga ito ay tauhan ng pulisya o militar.

Gayunman, malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng kasabwat ang dinakip na lolo sa isang sindikatong nagbebenta ng mga bata at ang mga pahayag nito ay pagliligaw lamang sa isinasagawang imbestigasyon.

Samanta mistulang tuta ang ginawa ng isang lolo sa kanyang 3-anyos na apo na tinalian niya ng kable ng kuryente sa leeg at saka kinaladkad sa lansangan makaraang tumanggi ang huli na umigib, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Jun ay sinamahan ng kanyang lola na si Genoveva Gonzales, 60, para pormal na ireklamo ang suspect na si Eduardo Gonzales, house painter at naninirahan sa 3 Matapang St., Barangay Central, Quezon City.

Batay sa salaysay ng saksing si Marlyn Dizon, manugang ni Genoveva, dakong alas-3 ng hapon ng dumating ang lolo ng biktima na lango sa alak at nakitang naglalaro ang paslit na apo.

Tinawag nito ang bata at nagpatulong na mag-igib ng tubig, gayunman tumanggi ang paslit at sinabing naglalaro siya.

Nagalit ang suspect at kinuha ang may isang metrong haba ng kurdon ng kuryente na itinali sa leeg ng bata at saka ito kinaladkad sa lansangan.

Natigil lamang ang pagmamalupit sa bata nang mamagitan na ang mga nakasaksing kapitbahay.

Nagtamo ang paslit ng maraming pasa at sugat sa katawan dahil sa pagkaladkad sa kanya ng kanyang lolo.

Kasalukuyan namang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspect na sinampahan ng kasong child abuse. (Ulat nina Ellen Fernando at Jhay Mejias)

ARCEL CASTILLO

BARANGAY CENTRAL

BATA

CELIA CASTILLO

EDUARDO GONZALES

ELLEN FERNANDO

GENOVEVA GONZALES

JHAY MEJIAS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with