Abalos, siguradong lulusot sa CA - Solons
June 13, 2002 | 12:00am
Bagaman at kauupo pa lamang ni Chairman Benjamin Abalos sa Commission on Elections (COMELEC), naniniwala ang ilang kongresista na hindi ito mahihirapang lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Ayon kay Davao City Rep. Prospero Nograles, dahil na rin sa ginagawang pagsuporta ni Abalos sa abolisyon ng Sangguniang Kabataan na ipinanukala ng ilang mambabatas ay makakatanggap ito ng suporta mula sa Kongreso.
Mismong si Nograles umano ang kakausap sa House contingent ng CA na kumpirmahin agad si Abalos.
Maging si House Assistant Minority Leader Gilbert Remulla ay nagpahayag din ng kanyang pagsuporta kay Abalos.
Binanggit nito na hindi lamang ang rekonsilasyon ng mga factions sa COMELEC ang dapat unahin ni Abalos kundi ang pagsusulong sa pagbuwag ng SK.
Maaari aniyang maisulong sa susunod na Kongreso ang tuluyan nang pagbuwag sa SK dahil nagagamit lamang ito ng ilang matatandang pulitiko. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended