^

Metro

200 cellphones nasabat sa NAIA

-
Mahigit sa 200 pirasong cellphones na tinatayang nagkakahalaga ng may P1.5 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang tangkaing ipuslit ng isang negosyante mula sa Hong Kong.

Nakilala ang nasabat na suspect na si Pendaton Ramos Sarip.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi kamakalawa nang masakote ng mga tauhan ni Mimel Talusan, chief ng Arrival Operations Division ng BoC-NAIA ang suspect matapos dumating sa bansa lulan ng eroplanong Cebu Pacific galing sa dating Crown Colony.

Nabatid na nagtungo sa counter 10 na tinatanuran ni Customs Examiner Wahab Pangadaman si Sarip para sa kaukulang clearance ng kanyang customs declaration form nang mapuna ang kahina-hinala nitong kilos bitbit ang kulay pulang hand bag at back pack na kipkip nito.

Pinabuksan umano ng examiner sa pasahero ang kanyang bag, subalit tumanggi ito.

Nagkaroon nang pagtatalo sa pagitan nina Pangadaman at Sarip kaya’t namagitan ang duty supervisor na si Silveria Salazar at inimbitahan ang pasahero sa in-bound section.

Sa isinagawang pagsusuri at imbentaryo sa nilalaman ng mga bagahe ng pasahero, tumambad sa mga awtoridad ang may 200 piraso ng ibat-ibang uri ng cellphones at mga cellphone battery.

Ang mga mobiles phones na tumitimbang ng 23 kilo ay kaagad na sinamsam ng mga awtoridad. (Ulat ni Butch Quejada)

ARRIVAL OPERATIONS DIVISION

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CEBU PACIFIC

CROWN COLONY

CUSTOMS EXAMINER WAHAB PANGADAMAN

HONG KONG

MIMEL TALUSAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with