Ayon kay Alvarez, layon nito na ma-identify ang mga colorum public utility vehicles na nagpapasikip sa daloy ng trapiko sa mga lansangan, lalo pa ngat magsisimula na ang klase sa susunod na linggo.
Ibinalita pa ni Alvarez na ang unang bahagi ng kampanya ng DOTC laban sa colorum vehicles ay nagtagumpay, ngunit kailangan aniyang baguhin ang sistema upang malambat pa ang ilan na patuloy pa ring nag-ooperate.
Sa pagkakataong ito naman ang mga bus at jeep ay iisyuhan ng bagong color-coding sticker bilang patunay na muli silang nagparehistro sa LTO. (Ulat ni Angie dela Cruz)