20 araw na re-training sa mga sinibak na pulis-Pasay
June 11, 2002 | 12:00am
Naimpluwensiyahan umano ng pamahalaang lungsod ang kautusan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na sa halip na isang buwan, 20 araw na re-training na lamang ang ipapatupad sa may 341 pulis-Pasay na sinibak dahil sa palpak na pagresponde sa hostage drama sa isang bus terminal sa nabanggit na lungsod noong Mayo 31 ng madaling araw.
Sa isinagawang pakikipag-dayalogo ni Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad kahapon ng umaga kay National Capital Regional Police Office Director General Edgar Aglipay na 20 araw na lamang ang re-training ng mga nabanggit na pulis.
Kaugnay nito nagbago na rin ang desisyon ng mga misis ng naturang mga pulis at sinabing hindi na sila magsasagawa ng rali makaraang tiyakin ni Aglipay na ibabalik din ang kanilang mga mister sa kani-kanilang puwesto pagkatapos ng isasagawang training.
Ang muling pagsasanay ng mga pulis ay isasagawa sa Subic, Zambales.
Ang hakbangin ng PNP ay may kaugnayan sa palpak na pagresponde ng may 21 pulis-Pasay sa naganap na hostage drama sa isang bus terminal na dito nasawi ang batang hostage na si Dexter Balala at ng hostage taker na si Diomedes Talvo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am