^

Metro

Nag-amok binoga ng pulis, dedo

-
Nasa balag ng alanganin ang isang police major na nakatalaga sa Southern Police District matapos na mapatay nito ang isang nag-amok na lalaki at masugatan ang mag-asawa nang aksidenteng pumutok umano ang dala niyang shotgun sa pagresponde sa isang away, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Isinasailalim sa imbestigasyon ng Pasig police si P/Chief Insp. Angel Sumulong, nakatalaga sa Makati police station dahil sa pagkaka-baril at pagkakapatay sa nag-amok na lalaki na kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Inoobserbahan naman sa Medical City Hospital sa Mandaluyong City ang mag-asawang sina Antonio Marquez at Radelita matapos na tamaan rin ng mga bala sa insidente.

Sa ulat ni C/Insp. Tomasito Clet, hepe ng Criminal Investigation Division, nag-amok umano ang hindi nakilalang lalaki dakong ala-6:30 ng umaga sa may Brgy. Buting na armado ng isang patalim.

Hinabol nito at nasaksak sa ulo ang isang residente na kinilala sa pangalang Emma. Hindi pa nakuntento, isang talipapa sa may San Guillermo Avenue ang tinungo ng suspek kung saan napagdiskitahan nito ang mag-asawang Marquez.

Nagkataon namang nasa naturang lugar rin si Sumulong at mabilis na rumesponde gamit ang isang 12-gauge shotgun. Sinabi nito na aksidenteng pumutok umano ang baril nang lusubin siya ng lalaki at matapik nito ang baril sanhi upang tamaan siya sa katawan at mahagip naman ng bala ang nasa di-kalayuan ang mag-asawang Marquez.

Kusang-loob namang sumuko sa kapwa mga pulis si Sumulong at isinuko ang shotgun na kanyang ginamit sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANGEL SUMULONG

ANTONIO MARQUEZ

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

ISANG

MANDALUYONG CITY

MARQUEZ

MEDICAL CITY HOSPITAL

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with