Kusinero ginulpi ng 3 boksingero
June 9, 2002 | 12:00am
Isang kusinero ang pinagtulungang bugbugin at hatawin ng tubo ng tatlong boksingero matapos itong tumangging magluto ng pulutan, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.
Wasak ang nguso at tanggal ang mga ngipin ng biktima na nakilalang si Gerardo Ripalda, 33, ng Brgy. Hagdang Bato ng nabanggit na lungsod. Nilalapatan ito ng lunas sa Pasig City Medical Center.
Samantala, ang mga suspect ay nakilalang sina John-Del Yabut, 21; Nick Dagulad, 17 at Alex Guevarra, 22, pawang mga boksingero at stay-in sa Mandaluyong boxers barracks na matatagpuan sa Mandaluyong City Hall Office ay kaagad na nadakip ng pulisya.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente sa loob ng Mandaluyong boxer barracks, ng nabanggit na lugar dakong alas-12 ng madaling araw.
Nag-iinuman umano ang mga suspect at biktima nang utusan ng mga ito ang huli na magluto ng kanilang pulutan.
Tumanggi ang biktima, dahil sa katuwiran nitong tapos na ang kanyang duty sa pagluluto subalit muling nangulit ang tatlong boksingero kaya nagalit ang biktima.
Nagpalitan ang mga ito ng maaanghang na salita hanggang sa pagtulung-tulungan ng mga suspect na bugbugin at hatawin ng tubo ang biktima.
Kaagad na dinala sa pagamutan ang biktima, habang naaresto naman ang tatlong boksingero. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended