Sasakyan ni Sec.Camacho kinarnap sa QC
June 7, 2002 | 12:00am
Muli na namang umatake ang grupo ng mga karnaper na kumikilos sa Quezon City at isa sa huling biktima ay ang sasakyan ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho.
Ayon sa sumbong ni Jort Morania, 58, ng 80 K-3rd St., Kamuning Quezon City, driver ni Secretary Camacho na naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw sa harap ng kanyang bahay.
Sinabi ni Morania na ipinarada niya ang kulay berdeng Strada L-200 van na may plakang UHR-945 ni Camacho sa harap ng kanilang bahay para umidlip sandali.
Ilang minuto pa lamang siyang nakakapasok sa bahay ay narinig niya ang pag-arangkada ng sasakyan at nang kanyang tingnan sa labas ay usok na lamang ang kanyang nakita.
Magugunitang sunud-sunod ang nagaganap na insidente ng carnap sa lungsod at kabilang sa mga personalidad na naging biktima ay sina Lipa Mayor at aktres na si Vilma Santos, isa pang premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa at ang VP ng San Miguel na si Ramon dela Lana. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest