^

Metro

21 pulis, 8 sikyu kinasuhan sa hostage tragedy

-
Pormal nang sinampahan kahapon ng kasong kriminal ang may 21 Pasay City police at 8 security guard ng Philtranco kaugnay sa madugong hostage drama na naganap sa nabanggit na siyudad noong nakalipas na Biyernes na dito nasawi ang batang hostage na si Dexter Balala at hostage taker na si Diomedes Talvo.

Ang kasong reckless imprudence resulting to homicide ay iniharap ng pamunuan ng Southern Police District Office (SPDO) sa Pasay Prosecutor’s Office kahapon ng hapon matapos ang ginawang konsultasyon ng SPD police investigators at mga private prosecutors.

Kabilang sa mga kinasuhan ay si Supt. Eduardo dela Cerna, sinibak na Pasay police chief at 20 pa nitong tauhan.

Gayundin ang 8 security guard ng Philtranco na sinibak na rin ng pangasiwaan ng naturang bus company.

Nag-ugat ang kaso matapos pumalpak ang operasyon sa naganap na pangho-hostage kay Dexter sa bus terminal ng Philtranco noong Biyernes.

Magugunitang bukod sa 13 saksak na tinamo ng biktimang paslit sa kamay ng hostage taker na si Talvo ay nagtamo rin ito ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan, isa dito ay tumagos sa puso na sinasabing siyang sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nilinaw naman ni Senior Supt. Leonardo Espina, PNP spokesman na hindi ang 29 na akusadong personalidad ang nagpaputok sa nasawi, kasabay nang pagsasabing kinasuhan ang mga ito dahil sa nandoon sila nang maganap ang insidente.(Ulat nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

BIYERNES

DEXTER BALALA

DIOMEDES TALVO

JOY CANTOS

LEONARDO ESPINA

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PASAY PROSECUTOR

PHILTRANCO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with