^

Metro

NAPOLCOM pasok din sa hostage tragedy

-
Bubusisiin ng investigating body ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang anggulong mga lasing ang mga pulis-Pasay na nagresponde sa naganap na hostage drama noong nakalipas na Biyernes sa nabanggit na lungsod.

Base sa kautusang ipinalabas ni NAPOLCOM Vice-chairman at Executive Officer Rogelio Pureza, na nais nilang pagtuunan ng pansin ang ulat na lasing ang mga pulis kaya naging trahedya ang naganap na hostage drama na ikinasawi ng batang si Dexter Balala at ng hostage taker nito na si Diomedes Talvo.

Ang ganito umanong gawain ay malaking kapabayaan na hindi dapat palampasin ng pamunuan ng PNP.

Kasabay nito, inatasan naman ng Internal Affairs Service (IAS) ang 19 na Pasay City police na magsumite ng kani-kanilang pahayag na may kinalaman sa hostage-taking incident.

Ang counter-affidavit ng 19 na Pasay City police na nagresponde sa insidente ang siyang magiging basehan para sa summary dismissal proceedings laban sa mga pulis na nagpaputok ng baril na nakapatay sa batang si Dexter, ayon kay NCRPO chief Deputy Director General EdgarAglipay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BIYERNES

BUBUSISIIN

DEPUTY DIRECTOR GENERAL

DEXTER BALALA

DIOMEDES TALVO

EXECUTIVE OFFICER ROGELIO PUREZA

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

LORDETH BONILLA

NATIONAL POLICE COMMISSION

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with