Trader napagkamalang pulis binoga ng tatlong holdaper
June 6, 2002 | 12:00am
Isang negosyante na napagkamalang pulis ang binaril at napatay ng isa sa tatlong holdaper na nangholdap sa isang pampasaherong jeep, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Angeles Canlas Jr., 29, binata ng San Mateo, Arayat, Pampanga.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang insidente.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling araw sa kahabaan ng C-4 Road sa panulukan ng Letre at Sabalo St. ng nabanggit na lungsod nang biglang sumakay sa jeep na sinasakyan ng biktima ang tatlong holdaper.
Agad na namataan ng mga suspect ang biktima na inakala nilang pulis kaya mabilis na pinaputukan ng baril.
Matapos bumulagta ang biktima ay saka kinulimbat ng mga salarin ang mga pera at alahas ng iba pang pasahero at saka mabilis na nagsitakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest