^

Metro

Habambuhay sa 2 pulis na pumatay ng Datu

-
Matapos ang mahigit sa anim na taon, nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang dalawang Quezon City police na sangkot sa pagpatay sa isang datu noong nakalipas na Hulyo, 1995.

Ang mga hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ni Judge Demetrio Macapagal Sr., RTC-National Capital Regional Judicial Region ay sina SPO3 Fernando Nituan at SPO1 Ernesto Diaz.

Bukod dito, inatasan din ng korte ang dalawang akusado na bayaran ang pamilya ng biktima ng P50, 000 para sa death indemnity, P1,041,391 para sa actual damages, P1,000,000 bilang moral damages at P500,000 exemplary fees.

Sinabi naman ni Bai Fatima, ina ng biktimang si Datu Gemie, na parusang bitay ang inaasahan niyang magiging hatol sa dalawang pulis.

Base sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong nakalipas na Hulyo 13, 1995 nang ang biktima ay magpaalam na bibili ng pagkain sa labas.

Sinabi sa ulat na sakay noon ng isang taxi ang biktima nang harangin ng mga pulis sa isang checkpoint.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang alegasyon ng mga akusado na armado ang biktima na noon ay 17-anyos pa lamang at pinaputukan sila ng baril.

Malinaw na sinabi ng mga testigo na pinosasan ng mga pulis si Datu Gemie, pinagsisipa at pinagpapalo pa ng baril bago pinaulanan ng putok ng baril. Ang biktima ay nagtamo ng may 13 tama ng bala ng baril sa katawan sa kamay ng mga pulis.

Ilan pang kasamahan ng mga akusado ay pinaghahanap hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Doris Franche)

BAI FATIMA

DATU GEMIE

DORIS FRANCHE

ERNESTO DIAZ

FERNANDO NITUAN

HULYO

JUDGE DEMETRIO MACAPAGAL SR.

NATIONAL CAPITAL REGIONAL JUDICIAL REGION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with