^

Metro

Ginang pinatay ng ka-live in

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang ginang ng kanyang live-in-partner matapos ang isang mainitang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Karuhatan, Valenzuela City.

Kinilala ni Inspector Salvador dela Cruz, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela Police ang nasawi na si Alice Francisco, 29, ng Telecon Compound, Karuhatan ng nabanggit na lungsod.

Nakilala naman ang suspect na si Arthur Rafael, 38, ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa bahay ng mag-live-in sa naturang lugar.

Napag-alaman na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa makaraang komprontahin ng biktima ang suspect tungkol sa umano’y pambababae nito

Sinabi ng isang saksi na pumasok sa loob ng kanilang kuwarto ang dalawa at doon nagtalo. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ang biktima na duguan bunga ng tinamong saksak sa may kilikili na nagsanhi sa agaran nitong kamatayan.

Nagtangka pang tumakas ang suspect subalit nasabat siya ng mga nagrespondeng awtoridad. (Ulat ni Rose Tamayo)

ALICE FRANCISCO

ARTHUR RAFAEL

AYON

INSPECTOR SALVADOR

KARUHATAN

ROSE TAMAYO

STATION INVESTIGATION DIVISION

TELECON COMPOUND

VALENZUELA CITY

VALENZUELA POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with