^

Metro

2 anak ng hostage-taker minomolestiya ng tiyuhin

-
Minomolestiya ng kanilang tiyuhin sa Mindanao ang dalawang teenager na anak ng nasawing hostage taker na si Diomedes Talvo na maaaring dahilan upang tuluyan itong magwala habang nasa impluwensiya ng droga noong nakalipas na Biyernes na nagresulta sa pagkasawi nito at ng kanyang batang biktima.

Sa dalawang pahinang sulat na may petsang Mayo 6 na ipinadala sa kanilang lola na si Rosing, ibinunyag ng anak ni Talvo na si Lovely na siya at ang kanyang ate na si Aiza ay dumaranas nang paghihirap sa kamay ng kanilang tiyuhing si Ricardo Ubay.

Nakasaad pa rito na ayaw na nila doon na manirahan. Hiniling din nila sa kanilang lola (nanay ni Talvo) na kunin na sila para maka-enrol sa taong ito.

Ang kopya ng sulat ay nakarating kay NCRPO director Deputy Director General Edgar Aglipay.

Base sa ulat na isinumite sa Southern Police District (SPD) na si Talvo at ang kanyang asawa ay legal na naghiwalay may dalawang taon na ang nakakalipas.

Kasama ng kanyang misis ang kanilang dalawang anak ng umuwi ito sa Mindanao at nakisama sa pamilya Ubay. Si Ricardo ay bayaw ng misis ni Talvo.

Sa panig naman ni Talvo, muli itong nag-asawa at nanirahan sa Tabuk, Kalinga- Apayao.

Sa sulat ni Lovely, isinumbong nito sa kanyang lola kung papaano sila minomolestiya ng tiyo.

Nakatakda na sana umanong sunduin ni Talvo ang kanyang mga anak base na rin sa utos ni Aling Rosing.

Dumating ito ng Maynila noong Mayo 29, dala ang may P13,000 na ibinigay ng ina.

Mayo 31 habang ito ay nasa impluwensiya ng droga ay hinostage nito si Dexter Balala, 4, na humantong sa trahedya sa loob ng bus terminal sa Pasay City. (Ulat ni Non Alquitran)

ALING ROSING

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

DEXTER BALALA

DIOMEDES TALVO

MINDANAO

NON ALQUITRAN

PASAY CITY

RICARDO UBAY

SI RICARDO

TALVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with