^

Metro

Traders sa Global City binalaan

-
Binalaan kahapon ni Taguig Mayor Freddie Tinga ang mga negosyante sa Global City na isaayos ang kanilang mga proyekto, ito ay matapos na gumuho ang ginagawang gusali ng LKS Construction Corp.

Ayon kay Tinga dapat unahin ng mga kontratista sa nasabing lugar ay ang kaligtasan ng kanilang mga trabahador at pagsunod sa mga regulasyon ng National Building Code para hindi maulit ang mga sakuna sa darating na panahon.

Binigay ni Tinga, ang babala matapos suspendihin ng local building official ang paggawa ng MC Home Builders noong nakalipas na linggo.

Ito naman ay matapos na masugatan sa ulo at katawan ang isang trabahador ng LKS Construction na si Gilbert Calvadores makaraang mabagsakan ng steel trusses.

Ang 150-ektaryang Global City sa Fort Bonifacio ay isa sa pinakamalaking nagbabayad ng buwis sa munisipalidad at nagbibigay ng trabaho sa mga residente ng Taguig. (Ulat ni Danilo Garcia)

CONSTRUCTION CORP

DANILO GARCIA

FORT BONIFACIO

GILBERT CALVADORES

GLOBAL CITY

HOME BUILDERS

NATIONAL BUILDING CODE

TAGUIG MAYOR FREDDIE TINGA

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with