3 tulak hinatulang mabitay
June 4, 2002 | 12:00am
Hinatulan kahapon ng parusang kamatayan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang tatlong lalaki na nahuli sa isinagawang drug-bust operation ng mga tauhan ng CPD-Narcotics Group noong nakalipas na Disyembre 18, 2000.
Nakilala ang mga nahatulan na sina Carlos delos Santos, alyas Caloy; Restituto Binua, alyas Resty, 39 at Edicio Lopez, alyas Dencio, 43.
Batay sa desisyon ni QCRTC Judge Diosdado Peralta ng Branch 95 na ang tatlo ay nahuli sa aktong nagbebenta ng may 987.85 gramo ng shabu.
Lumitaw sa rekord ng korte na ang tatlo ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa may Kamuning, Quezon City.
Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang alibi ng mga akusado na biktima sila ng frame-up ng pulisya. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am