OFW natigok habang nangungumpisal
June 3, 2002 | 12:00am
Namatay sa gitna ng kanyang pangungumpisal ang isang Overseas Filipino Worker sa San Antonio de Padua Parish Church kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Wala ng buhay nang isugod sa St. Agnes General Hospital ang biktimang si Francisca Navarro ng Guerrero st., San Francisco del Monte, QC ng mga parishioners ng nabanggit na simbahan.
Sa ulat ni PO3 Jun Mortel ng Criminal Investigation Unit ng Central Police District (CIU-CPD), naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon sa loob ng kumpisyunaryo ng simbahan sa panulukan ng Lincoln at Commonwealth Ave., QC.
Kasama ng biktima ang ilang kaanak nito nang magtungo sa simbahan.
Agad na tinungo ng biktima ang kumpisalan at pumasok sa kumpisyunaryo habang naiwan ang kasamahan nito na taimtim din sa pagdarasal.
Nabatid sa paring nangasiwa sa pagkukumpisal na si Fr. Dave Concepcion na tuloy-tuloy sa una ang paglalahad ng biktima ng nais nitong ikumpisal hanggang sa bigla na lamang itong huminto sa kalagitnaan at ng silipin ay nakitang nakahandusay na lamang ito.
Tangkang alamin ng mga kaanak ng biktima kung ano ang ikinumpisal ng biktima sa pari na posibleng naging dahilan ng kamatayan nito, gayunman ay tumanggi ang pari dahil labag ito sa batas ng simbahan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended