Taxi driver tumangging maghatid, nadedo sa pulis
June 2, 2002 | 12:00am
Isang 31 anyos na taxi driver ang nasawi matapos na magtangkang agawin ang baril ng kanyang pasaherong pulis na kanyang nakadikusyon makaraang tumanggi ang una na ihatid ang huli sa malayong lugar,kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Nakilala ang nasawing driver na si Joel Arevalo ng Sta.Cruz,Maynila na namatay noon din sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.
Sumuko naman ang suspect na si SPO3 Redentor Padua na nakadestino sa Rizal Provincial Police at naninirahan sa Bagong Silangan,Quezon City na nagtamo rin ng tama ng bala ng baril sa tiyan at ginagamot sa East Avenue Medical Center.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon,naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon sa may Regalado st.,kanto ng Mindanao Avenue,Novaliches,Quezon City.
Napag-alaman na sumakay sa may SM Fairview ang pulis kasama ang kanyang asawa at anak sa taxi na minamaneho ng nasawi.
Habang binabagtas ang kahabaan ng Regalado ay sinabi ng pulis na ihatid sila sa Bagong Silangan at dito ay tumanggi ang biktima dahil sa malayo umano at pilit na pinabababa ang mag-anak.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa bumaba at tangkang hulihin ng pulis ang biktima dahil sa pagtanggi nito na maghatid ng pasahero.
Walang anu-ano ay sinunggaban ng biktima ang baril ng pulis na nauwi sa pag-aagawan at pagpapambuno ng mga ito.
Ilang sandali ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril hanggang sa kapwa duguang humandusay ang dalawa.
Namatay noon din ang driver ,habang isinugod naman sa pagamutan ang pulis.(Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended