^

Metro

Anak-mayaman na utak sa carnapping syndicate, tiklo

-
Pinaniniwalaang nalansag na ng mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group (TMG) ang isang bigtime carnapping syndicate na nag-ooperate sa Metro Manila matapos madakip ang isang nautical engineer na sinasabing utak ng grupo sa isinagawang operasyon kamakalawa.

Sa ulat ni TMG-NCR director Supt. Mario Avenido, kinilala nito ang nadakip na suspect na si Jonathan Vila, 30, ng Pamplona, Las Piñas City, na sinasabing lider ng isang high profile carnapping syndicate.

Nasamsam sa suspect ang dalawang nakaw na sasakyan sa pinagtataguan nito sa Brgy. Bulihan, Malolos, Bulacan.

Ang suspect ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Manuel Toque ng Pasay City Regional Trial Court.

Isa namang nagngangalang Edna Alba na pinaghihinalaang kasabwat ni Vila ang isinailalim sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Base sa rekord ng pulisya, ang nasabing inhinyero ay positibong itinuro ng isa niyang nabiktima. Ito umano ay maraming nakabimbing kaso ng carnapping na nakasampa sa ibat-ibang korte sa Metro Manila partikular na sa Las Piñas, Parañaque, Pasay at Makati City. (Joy Cantos)

EDNA ALBA

JONATHAN VILA

JOY CANTOS

JUDGE MANUEL TOQUE

LAS PI

MAKATI CITY

MARIO AVENIDO

METRO MANILA

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with