^

Metro

5-anyos na nabagsakan ng lalaking nagpakamatay tinulungan ni FG Arroyo

-
Dalawang-daang libong piso ang tulong pinansiyal na ipinagkaloob ni First Gentleman Mike Arroyo sa isang 5-anyos na batang babae na nabagsakan ng isang lalaking nag-suicide sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ika-apat na palapag ng isang mall sa Maynila.

Ito ay upang maipangtustos sa nakatakda niyang operasyon ngayong araw na ito matapos na madamay sa pagpapakamatay ng isang lalaki.

Ang biktimang si Pauline Ramos, 5, ng Soler St., Quiapo, Maynila ay personal na dinalaw kahapon ng First Gentleman kung saan ibinigay dito ang tulong pinansiyal.

Hirap mang kumilos dahil sa basag na panga at mga bali sa katawan, nakuha pa ring ngumiti at kumaway bilang pasasalamat ni Pauline sa esposo ng Pangulo.

Ibinigay ng First Gentleman sa mga magulang ni Pauline na sina Luisito at Apple ang naturang halaga para pandagdag na pangtustos sa nakatakda nitong operasyon ngayon araw.

Magugunitang minalas na nadamay si Pauline ng isang lalaking nagpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon sa ika-apat na palapag ng Isetann mall sa Quezon Boulevard sa Quiapo. Kasalukuyang naglalakad ang bata sa ground floor nang mabagsakan ng lalaki.

Dahil sa hirap sa buhay ay hindi malaman ng mga magulang nito kung saan kukuha nang panggastos para sa nakatakdang operasyon hanggang sa mapanood ni FG Arroyo sa telebisyon ang panawagan ng magulang.

DAHIL

DALAWANG

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HIRAP

IBINIGAY

MAYNILA

PAULINE RAMOS

QUEZON BOULEVARD

SOLER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with